Top Pag Ibig Quotes

Browse top 8 famous quotes and sayings about Pag Ibig by most favorite authors.

Favorite Pag Ibig Quotes

1. "Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa."
Author: Bob Ong
2. "Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako."
Author: Jayson G. Benedicto
3. "Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang bugtonghininga."
Author: José Rizal
4. "Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga."
Author: José Rizal
5. "Sadyang mailap ang humanap ng tunay na pag-ibig. Madaling sabihing mahal kita, madaling isiping mahal ka niya, pero paano mo malalamang... ito na, eto na talaga?"
Author: Ramon Bautista
6. "Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman."
Author: Ricky Lee
7. "Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala."
Author: Ricky Lee
8. "Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka."
Author: Ricky Lee

Pag Ibig Quotes Pictures

Quotes About Pag Ibig
Quotes About Pag Ibig
Quotes About Pag Ibig

Today's Quote

I don't actually think "true love" is such a good term because love can only be true. If it isn't true it can't be love."
Author: Adian Chambers Dying To Know You

Famous Authors

Popular Topics