Top Mga Papansin Quotes
Browse top 18 famous quotes and sayings about Mga Papansin by most favorite authors.
Favorite Mga Papansin Quotes
1. "Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."
Author: Bob Ong
2. "Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko."
Author: Bob Ong
3. "Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo."
Author: Bob Ong
4. "Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata."
Author: Bob Ong
5. "Hindi din ako nagpi-prisinta na dalhin ang gamit ng mga babae. Lalo na ang bitbitin ang kanilang shoulder bag. Hindi dahil ayokong isiping bading ako. Ang sa akin lang, nabuhat nga nila yung bag mula bahay hanggang school, tapos kapag nakakita ng lalake, bigla silang manghihina."
Author: Eros Atalia
6. "Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makita't makausap si Jen. At kapag nangyari ‘yun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahay… Pukang ama… Hindi ko na sya pakakawalan."
Author: Eros S. Atalia
7. "Ito ang inabot ng kanyang karunungan patungkol sa dagat: ito ay malaki, maalat at doon nakatira ang mga isda."
Author: Haruki Murakami
8. "Pinag-uusapan siya ng lahat dahil mayaman... Bumabalik ang mga sundalo mula sa mga kampanya, may sakit at sugatan, ngunit walang dumadalaw sa kanila!"
Author: José Rizal
9. "Mga mamamayan din ang mga bumubuo ng gobyerno at sila ang higit na nakapag-aral.' 'Ngunit tulad po ng ibang tao, nagkakamali kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba."
Author: José Rizal
10. "Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga."
Author: José Rizal
11. "Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa ang magagawa't nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban, at sa halip na ikaliwalhati ko'y dapat kong ikahiya."
Author: José Rizal
12. "Ilang dantaon po mula ngayon, kapag naliwanagan at natubos na ang sangkatauhan, kapag wala nang mga lahi, kapag malaya na ang lahat ng mga bayan, kapag wala nang nang-aalipin at napaaalipin, mga kolonya at mga metropolis, kapag naghahari na ang iisang katarungan at ang bawat isa'y mamamayan na ng daigdig, tanging ang pagsampalataya po sa siyensiya ang malalabi. Magiging singkahulugan ng bulag na pagsamba ang patriyotismo at sinumang magmagaling na nagtataglay ng katangiang ito ay walang alinlangang ibibilanggo na tulad ng isang may nakahahawang sakit, isang manliligalig sa kaayusang lipunan."
Author: José Rizal
13. "Naglalaho sa loob ng klase ang mga hadlang na itinatayo ng politika upang hatiin ang mga lahi, natutunaw wari sa alab ng kaalaman at kabataan."
Author: José Rizal
14. "Magandang isipin ang kasiyahan… pero minsan mas magandang isipin ang kalungkutan, dahil doon mo makikita ang mga dumamay sa iyo at ang mga tunay mong kaibigan na nagmamahal sa iyo."
Author: Monz
15. "Alam nyo namang hindi tayo totoo. Gawa lang tayo sa mga letra!"
Author: Ricky Lee
16. "Ang Pilipino ay pinaghalohalo-halong dugo. Sumasamba kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakakalimutan na nya kung sino siya."
Author: Ricky Lee
17. "Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan."
Author: Ricky Lee
18. "Ba't ba naghahalikan ang mga utaw? Para magpalitan ng laway? Magdikit ang mga dila? Bakit hindi mga ilong na gaya sa ibang bansa, o kaya ay mga balikat? Bakit maski sa pisngi lang siya nahalikan ni Homer ay parang ang kaluluwa niya ang tinamaan ng nguso nito? At andito na rin lang tayo sa subject ng paghahalikan, me pagkakaiba ba kapag lalaki o babae o kapwa lalaki o kapwa babae ang mga ngusong nagdidikit? Paano ang mga walang nguso?"
Author: Ricky Lee
Mga Papansin Quotes Pictures

