Top Walang Karapatan Quotes

Browse top 21 famous quotes and sayings about Walang Karapatan by most favorite authors.

Favorite Walang Karapatan Quotes

1. "Naisip kong hindi maaaring magkaroon ng perpektong buhay ang isang tao. Hindi natin makukuha ang lahat ng gusto natin. Hindi umaayon ang lahat sa kagustuhan natin. Walang exception doon."
Author: Belle Feliz
2. "Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
Author: Bob Ong
3. "...kapag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang "sandali lang" o "teka muna". Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol."
Author: Bob Ong
4. "Ang karamihan nang tao ay walang pakialam, ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung ibang may utak... walang puso."
Author: Bob Ong
5. "Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?"
Author: Bob Ong
6. "MARAMI ANG MAY AYAW SA PILIPINAS, PERO WALANG NAGTATANONG KUNG GUSTO SILA NG PILIPINAS"
Author: Bob Ong
7. "Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi"
Author: Bob Ong
8. "Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
Author: Bob Ong
9. "Minsan ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan."
Author: Eros S. Atalia
10. "Meron bang taong walang itsura? Anu yun, abstract?"
Author: Eros S. Atalia
11. "Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako."
Author: Jayson G. Benedicto
12. "Walang mang-aalipin kung walang paaalipin."
Author: José Rizal
13. "Pinag-uusapan siya ng lahat dahil mayaman... Bumabalik ang mga sundalo mula sa mga kampanya, may sakit at sugatan, ngunit walang dumadalaw sa kanila!"
Author: José Rizal
14. "Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga."
Author: José Rizal
15. "Pakiramdam ko e andami kong naiisip na dehins magawa dahil alang deadline. Nasanay ata ko sa school tsaka sa trabaho na lahat may deadline. E yung nga naiisip ko tuloy na sariling projects di ko matapos kasi walang deadline."
Author: Manix Abrera
16. "Huwag mong ipangako ang habang-buhay Meredith. Ipangako mo sa akin ang walang hanggang. - Tristan"
Author: Martha Cecilia
17. "Kapag sumablay ka, isipin mo na lang na nagsimula ka din naman sa wala at walang nagbago."
Author: Ramon Bautista
18. "Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na."
Author: Ricky Lee
19. "Samantalang sa tunay na buhay, pag nangyari, iyon na. Walang revision."
Author: Ricky Lee
20. "Ba't ba naghahalikan ang mga utaw? Para magpalitan ng laway? Magdikit ang mga dila? Bakit hindi mga ilong na gaya sa ibang bansa, o kaya ay mga balikat? Bakit maski sa pisngi lang siya nahalikan ni Homer ay parang ang kaluluwa niya ang tinamaan ng nguso nito? At andito na rin lang tayo sa subject ng paghahalikan, me pagkakaiba ba kapag lalaki o babae o kapwa lalaki o kapwa babae ang mga ngusong nagdidikit? Paano ang mga walang nguso?"
Author: Ricky Lee
21. "Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala."
Author: Ricky Lee

Walang Karapatan Quotes Pictures

Quotes About Walang Karapatan
Quotes About Walang Karapatan
Quotes About Walang Karapatan

Today's Quote

No more twist!"
Author: Beatrix Potter

Famous Authors

Popular Topics